Terno. Magkapareha. Swak.
Naisip mo na ba kung bakit magkabagay ang puto at dinuguan? Suman at asukal? Manggang hilaw at bagoong? Wala lang. Kasi…
Terno. Magkapareha. Swak.
Maraming nagtatanong kung bakit ako mukhang ketchup. Ung banana ketchup ha (preferably UFC Tamis Anghang). Kelangan may ketchup sa prito. Pritong manok, baboy, baka, isda, itlog (ung puti lang kasi di ako kumakain ng yolk), hotdog, corned beef, tocino (ayaw ko ng longganisa) at baloney. Kelangan may ketchup sa adobo, menudo, beef at pork steak o inihaw. Sabi nila kakaiba. Ang hindi nila alam, sa bahay namin, lahat adik sa ketchup. Ang mga magulang namin, naimpluwensyahan na pero kaming limang magkakapatid- ADIK talaga. Dati ang bili ng mama ko ng ketchup ung regular na bote, eh ang nangyayari, sa isang kainan, ubos na agad. Ngayon move on na. Ung 2L na orange bottle na tumatagal ng isang linggo na. Happiness ang ketchup. Pag walang ketchup—iba ang lasa ng food—kulang. Malungkot. Badtrip. Anyway, moving on…
Terno. Magkapareha. Swak.
Ung magkaparehas na hikaw. Ung ternong bedsheet at punda. Ung champorado at tuyo. Ung Yakisoba at Magic Flakes sa dorm. Ung lahat ng pagkain at ketchup. Ung mga silog menu. Ung suka at chicharon. Ung beer at sisig. Ung Mr. & Ms. JS Prom. Ung muse at escort. Magkakapakner.
Ganyan din sa life. Naniniwala akong may katerno ka. Paano mo malalaman? Basta. Malalaman mo na lang. Gaya ng alam mo na hindi magkapares ang tsinelas na suot mo. Hindi kasi…
Terno. Magkapareha. Swak.
Nakakainis. Magkapareha nga, pero magkalayo, at pilit ipinaglalayo!
Di ako mahilig sa ketchup. Di ako kumakain ng ketchup =(